UY! love letters!
hindi talaga ako mapagsulat sa totoo lang 3 love letters lang ang nagawa ko sa buong buhay ko..haha ang sweet ko noh!? kung naaalala ko e isang love letter lang yata nagawa ko dun sa pinakamahaba kong nakarelasyon?! at mga 3 sentences lang yata yun!haha
ang hirap kasi gawing sulat ang nararamdaman mo e..pwede ba ako magpaturo sayo!?
dapat kasi makata ka pag gumagawa ng sulat..kung gustong mong sabihin na ibig mo syang makita araw araw ang dapat mong sabihin ay "baby! di bale ng hindi ako makapanuod ng i love betty la fea, makita at makasama lang kita araw araw!"
*babaeng kinikilig* ang sweet naman!
kung gusto mo nman na iparamdam na nanjan ka palagi sa tabi nya ang dapat jan ay "ulan man, bagyo,tangke o ang tatay mong masungit ay hindi hindi ako mapapalayo sayo, darling! "
"babaeng manhangmangha* ang tapang naman!
pero..pero..pero..
hindi ba sapat na "I LOVE YOU" na lang ang nakasulat? kasi kung iisipin mo nandun na lahat yun ha, summarized na! all in one!
kaya kayo pag nakatanggap kayo ng LOVE LETTER maiksi man o mahaba ang importante yung effort nung tao nagawan kayo ng sulat..sulat na ginawa at binigay para lamang sayo..
ayos!
Wednesday, December 3, 2008
Tuesday, November 18, 2008
PROMDI PRABINS
wala akong magawa ngayon kaya magbblog ako..ayos! congratulations IN na ako ngayon! alam mo ba yung larong ZUMA grabe nakakaaddict..wala naman kelangan ika-gusto pero dahil challenging sya eh, napapatagal ka sa laro ewan ko ba.
Eto ang aking unang post, at masasabi ko din na unang blog ko sa buong buhay ko!hehehe kaya ikkwento ko na lang sanyo ang pagiging promdi ko..handa na ba kayo?
Nandito ako ngayon sa Science city of Muñoz, Nueva Ecija..dito talaga ang bahay namin, walang tourist spot dito, kahit bundok wala, bbyahe ka ba ng mga halos dalawang oras para makapunta ka sa mall at makapanuod ng SINE. wala ka na ding makikitang tao sa kalsada pagpatak ng 8pm.. Ibang iba sa makati, ang lugar na kinalakihan ko. ako ay gumraduate sa isang kilalang skwelahan sa maynila..nagtrabaho sa makati at namuhay ng marangya.
Bakit Nandito naman ako ngayon? dahil sa laro at pagsubok ng buhay ako ay napunta dito, kung saan naninirahan ang aking itay. Ayoko talaga dito nung una, wala akong kaibigan, walang mall, ang aaga matulog ng mga tao, at ang mga babae mga negra!
Ngunit ang maganda dito, walang humpay ang kainan..kahit walang okasyon may magyayaya na lang sayo at may kainan sa bahay nila. Kaya sa loob lamang ng dalawang linggo e halos tumaba nako ng limang kilo..
at pagdating sa babae, nandito na yata ang pinapangarap ng mga lalake, mga mestisa din na nasa bahay lamang at di kumekerendeng kung san san, tahimik parang maria clara.May mga morena din na dinaig pa ang kagandanhan nila LJ Moreno.. Hay! nasa langit na yata ako!
Kaya ako ngayon dito na lang ako sa lugar na minamahal ko at minamahal ako, Masarap mamuhay sa probinsya, tahimik, malinis ang hangin, mababait ang mga tao, at masasarap ang mga pagkain..Hindi ko ito ipagpapalit sa manila, kaya nga pag ako ay magkapamilya ay dito ko sila dadalhin..kami ay magiging ganap na PROMDI.. PROMDI PRABINS..
Subscribe to:
Comments (Atom)