Wednesday, December 3, 2008

ang love letter ni juan

UY! love letters!

hindi talaga ako mapagsulat sa totoo lang 3 love letters lang ang nagawa ko sa buong buhay ko..haha ang sweet ko noh!? kung naaalala ko e isang love letter lang yata nagawa ko dun sa pinakamahaba kong nakarelasyon?! at mga 3 sentences lang yata yun!haha

ang hirap kasi gawing sulat ang nararamdaman mo e..pwede ba ako magpaturo sayo!?

dapat kasi makata ka pag gumagawa ng sulat..kung gustong mong sabihin na ibig mo syang makita araw araw ang dapat mong sabihin ay "baby! di bale ng hindi ako makapanuod ng i love betty la fea, makita at makasama lang kita araw araw!"

*babaeng kinikilig* ang sweet naman!

kung gusto mo nman na iparamdam na nanjan ka palagi sa tabi nya ang dapat jan ay "ulan man, bagyo,tangke o ang tatay mong masungit ay hindi hindi ako mapapalayo sayo, darling! "

"babaeng manhangmangha* ang tapang naman!

pero..pero..pero..

hindi ba sapat na "I LOVE YOU" na lang ang nakasulat? kasi kung iisipin mo nandun na lahat yun ha, summarized na! all in one!

kaya kayo pag nakatanggap kayo ng LOVE LETTER maiksi man o mahaba ang importante yung effort nung tao nagawan kayo ng sulat..sulat na ginawa at binigay para lamang sayo..

ayos!